Once upon a time, a garden was created
A paradise of flower buds and million cocoons
A haven where they could be nurtured and grow
A sanctuary, safe from the test of the four seasons
![](file:///C:/DOCUME~1/ACS10~1/LOCALS~1/Temp/moz-screenshot-1.jpg)
Dati ay mga estranghero tayo sa bawat isa, mga bulaklak na di pa sigurado sa kanilang kulay, mga uod na nagmamadaling lumaki upang maging paru-paro, mga bubuyog na di pa handang makipagsapalaran upang kumuha ng mga pulot sa gitna ng mga bulaklak, at mga dahong tikom pa at di pa makasabay sa tulak ng hangin. Tayo iyon, di pa natin kilala ang isat isa At siguro pati ang ating mga sarili at ang mga gusto nating gawin. Nagpapakiramdaman tayo, na sa isang sulyap sa mata ay hiya ang unang pakiramdam. Iba iba ang ating mga personalidad, iba iba ang pagkatao natin, sa una ay nangangapa pa tayong makisama sa isat isa, ngunit sa di malamang dahilan ay parang kisapmatang natapos ang mga sandaling iyon. Nalaman ang mga bagay na mapagkakasunduan at makakapagpakibagayan. Nagkasundo tayo at nagkaisa at mula nooy nagsimulang mangarap at mabuhay ng magkasama.
As all the things in the garden gently mature
It is also the beginning of the season of rain
The cocoons quietly moving and the buds start to open
The garden feeds everything with water to sustain
It is the creation of friendship of the variant flowers
Smiles of youthful butterflies to the newly bees
A bond that is formed to last forever
A nearness to sway even with the strongest breeze
Sa hardin kung saan tayo sama samang lumalaki, makikita mo ang isat isang nagbabago. Pinapakita ang kanilang sarili sa lahat ng taong dumadaan at napapalingon sa munti nating tahanan.
Sa isang panig naman ay sabay na lumalaki ang dalawang daisy na sina ABBY at JO, tahimik at bihira kumibo, ngunit nakatago pala sa dalawang ito ang kasikapang siguradoy magdadala sa kanila sa liwanag ng araw na gusto nilang matikman. Malapit lang sa kanilang kinatataniman ay ang apat na bulaklak na sabihin man nating ibat ibang uri ngunit talaga namang may sarisariling taglay na rikit. Si JOY na mahinhin at mayumi, si LALA na may katangi tanging bango, si VICKY na may may kakaibang alindog at si MIA na di matatawaran ang sobrang lambing.
After the rain has ended,
The windy season took place
A wind that could be graceful or fearless
A life or death kind of test
The birds may hide under the canapé of the trees
Worms must hold harder to their trusted branches
Every flower must be hopeful to their dependable roots
And in the end will be a feast of gratifying fruits
Sa isang sulok ng hardin ay may mga nagkakatuwaang magkakaibigan. Si SHY, isang lily na nakaakit akit, bulaklak na kayang isuko at ibigay ang lahat para sa pagkakaibigan at pag ibig. Kasama nya doon ay ang paru parong si ANNE, malambing at mayumi, nakadapo sayo sa init at ulan. Dun din nakatanim ang dalawang magagandang gumamela. si CHU na isang masayang bulaklak sa piling ng kanyang bubuyog na nagbibigay sa kanya ng karagdagang ganda at si JEM na unti unting nakikitaan ng yumi at rikit. Sabay sabay ding nagliliparan ang tatlong makukulay na paru paro. Si ODEE na maakit ka sa bawat pagaspas ng kanyang pakpak, si DIANE, masayahin ngunit kitang kita ang busilak na puso at si JONNA, masarap kasama, isang mabuting kaibigan at ka-ibigan.
Sa gabi sa hardin at makikita mo ang tatlong alitaptap na tahimik lang na iniilawan ang hardin, si FEEBEE na nasa utak kinukuha ang liwanag na taglay, mayumi at may katalinuhang di matatawaran, si VANE na sa kabila ng liit ay di mo makakalimutan ang liwanag na bumabalot sa kanya, masayahin at mapagkakatiwalaan at si DONAH, na bihira man kumibo ay di mo maaaring di tignan ang liwanag na talaga namang masarap pagmasdan. Naroon din ang mga babaeng bubuyog na nagdadagdag ng tamis at sigla sa buong hardin. Si ALENA na talaga namang kakaiba, babaeng sa sining ay may panlasa at sa kaibigan ay sagana. Si KITIS na sa talino na taglay ay isang mayuming bubuyog na karapat dapat lamang ihatid sa altar at ang babaeng bubuyog na nangangalaga ng hardin na tahanan na ng lahat, si ROCHELLE, isang mabuting kaibigan, masarap kasama ngunit di matatawaran ang kakayahang mamuno at mangalaga.
The darkest cloudy season has now arrived
The hardest test may break the garden’s thrive
But it already learned how to be tough
How to dance in the softness and fight during the rough
The garden already has its light in the dark
From the glow of the bright fireflies making a flight
It already has great strength and unbelievable might
From the trees that is willing to guard the garden tight
May isang tahimik na tutubi sa sulok ng hardin, si THOMAS na kahit bihirang makipagtalastalasan ay may taglay palang kakornihan. Nakapagtataka man ay kaibigan nya ang isa pang tutubi na si MD, mapagbiro at masiyahin at hindi maitatagong may katalinuhang taglay. Ang tanging tutubi sa hardin na may nakakahalinang tinig. Matalik nitong kaibigan ay ang isang bubuyog na si BOBOY, na inaasahan lagi ng buong hardin sa mga gawaing pang sining. Ang bubuyog na ito ay madalas umaligid sa bulaklak na zinnia na si KEN, mayumi at may magandang tinig na isa na sigurong dahilan kayat naakit ang nasambit na bubuyog. Kasabay din lagi ng zinnia sa pagkanta ang ibong maya na si ANNE, may tinig na tila dinadala lang ng hangin, matalino at may kaakit akit na boses.
Ang dalawang rosal naman na noon pay magkasama na bago pa man magsimula ang
hardin ay nagkkwentuhan sa isang sulok. Si JENNY na isang marikit na bulaklak, madaming naakit sa ganda at sa katangian na magutulak sayong hanap hanapin sya at si KATHLEEN, na mula sa batang bulaklak na nais lamang ay makipaglaro sa hangin ay nagsisimula ng mamukadkad sa mayuming bulaklak ng hardin. Naroon din at magkakasiyahan ang apat na orchids at ang isa nilang kaibigang bubuyog. Ang lilang orchid na si FRELL, talagang masipag at malaki ang natulong sa buong hardin kahit sa bawat nilalang na nakatira dito, ang puting orchid na si YANI, may talento sa pagsayaw sa kumpas ng hangin, isang magandang bulaklak na talagang ipinagmamalaki ng harding kanyang tinitirhan, ang dilaw naman ay si MARVI, masayahing personalidad ngunit talagang mapagmahal at malambing, babaeng gugustuhin mong makasama kahit kelan, ang pula naman ay si JUSTIN, babaeng may malakas na personalidad, nakatago sa kanyang matapang na anyo ay isang bulaklak na katutuwaan mo at ang kanilang mabuting kaibigang bubuyog na si JR, matalino at magaling makisama, kitang kita sa kanya na kaya nyang hawakan ang lahat ng pagsubok at gawain na ibibigay mo sa kanya, kitang kita sa kanya na may mapupuntahan sya sa hinaharap.
The fourth that visited the garden is the sunny season
A time that may signify an enormous grace
But a dread for thirst may eventually form
A deadly result of a simple craze
The last season that sets the end of the four
However, may suggest the start of a new cycle
A new beginning after a rewarding end
A harder challenge in a different angle
May mga dalyang nagsasayawan sa harding, mga dahlia na may iba ibang katangian at ganda. Si RICHELLE na sa kanyang kakaibang paraan ay napapasaya nya ang mga nilalang sa hardin, kakaibang paraan na sya lamang ang nakakagawa, isa ding bulaklak na bilanggo ng pagibig, si CHA, may tinig na sumasabay sa kumpas ng saway ng mga puno at may kagandahang di mapagkakaila at si MEANNE, isa sa mga kasiyahan ng harding, di matatawaran ang talino at kasipagan, bulaklak na mahal ng buong lugar.
Di man sya isang bulaklak na laging napapansin sa hardin na ating tahanan, ngunit alam mong mahal ka naming ate RHIDGEL, kaw na ang masasabi naming nanay ng tahanan natin, ikaw ang taga pag alaga namin at tagagabay, ikaw ay isang bulaklak na di naming hahayaang mawalay.
Once upon a time, a garden was created
A paradise of million beautiful creatures
A haven where they could be nurtured and grow
A garden that will last forever
Apat na taon na pala tayong magkakasama. Parang kisapmata lamang ang lumipas ngayoy nasa huli na tayo. Pero kahit kelan andito pa rin tayo magkakasa sa isang hardin na din a mabubura ng kahit anong bagyo, ng kahit anong haba ng panahon at ng kahit anong pagsubok.
Kami ang BUCN IVB batch 2009
Di mahilig gumawa ng ingay
Pero walang kapantay
Tigsik ko an mga IVB
Sabihin man na mga pobre
Mga cute man kami
No comments:
Post a Comment